Cloud seeding vs haze hingi
MANILA, Philippines – Nanawagan na si Davao City Rep. Isidro Ungab sa gobyerno na magsagawa na ng cloud seeding para umulan na sa kanilang lalawigan at mawala na ang haze.
Ayon kay Ungab tanging ulan ang makakapigil sa pagkalat ng haze na bumabalot ngayon sa buong Davao City.
Inilarawan ng kongresista ang haze na tulad ng manipis at kulay puting usok na nakikita sa bonfires o siga.
Sabi ni Ungab, normal pa naman ang sitwasyon sa kanilang lugar sa kabila ng nararanasang haze.
Subalit kung tatagal pa umano ito, hindi malayong magdulot ng respiratory problems lalo na sa mga bata.
Umabot na sa Southern Mindanao ang haze mula sa Indonesia na pinangangambahang makaapekto sa buong rehiyon at makarating din hanggang Metro Manila.
- Latest