MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Education ang pagbibigay ng dagdag na bayad sa mga guro na magsisilbing mga Board of Election Inspector (BEI) sa halalan sa 2016.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, noong halalang 2013 ang mga guro ay binigyan ng P3,000 at dinagdagan ng P500 para sa pagtesting at pagselyo at P500 para naman sa transportasyon.
Ngunit ang bayad na ito ay hindi sapat sa haba ng oras ng serbisyo ng mga guro dagdag pa ang banta sa kanilang buhay kapag ang napuwestuhan nila ay magulong lugar.
Anang kalihim, nakikipag-ugnayan na siya sa mga awtoridad para naman masiguro ang kaligtasan ng mga guro.
Ang pagtataas sa bayad sa mga BEI ay una ng hiniling ni Buhay party-list Rep. Joselito Atienza na itaas hanggang sa P8,000 ang serbisyo ng mga guro sa darating na halalan.