MANILA, Philippines – Pinangunahan kahapon ni dating TESDA director general at Koalisyon ng Daang Matuwid senatorial candidate Joel Villanueva sa pagdarasal kasama ang libu-libong miyembro ng Jesus is Lord (JIL) Church Worldwide para sa tagumpay ng kanilang grupo at pagtahak niya sa bagong yugto ng kanyang political career.
Nakiisa si Sec. Villanueva sa ika-37 taong anibersaryo ng JIL kahapon na ginanap sa Luneta Park at dinaluhan ng mahigit 500,000 miyembro nito.
“The celebration’s theme, Declaring Victory, Exalting Jesus is an expression of faith for God who has done many wonders and miracles in our lives. We experience them in our personal journeys of faith, and it is just right to exalt and thank the source of all victories,” wika pa ni Villanueva.
Ipinagdasal din ng batang Villanueva na tulungan at gabayan ng Diyos ang mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyong Lando sa Central Luzon at Northern Luzon.
Idinagdag pa ni Sec. Villanueva, ang desisyon niyang tumakbong senador sa 2016 ay ginabayan ng paborito niyang Bible verses na Jeremiah 29:11 na nagsasabing “For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
Nagsimula bilang kongresista at kinatawan ng anti-corruption Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) si Villanueva sa loob ng 9 na taon bago itinalaga ni Pangulong Aquino bilang TESDA director-general.