3 bagyo pa bago matapos ang 2015 – PAGASA

Naramdaman ng hilagang Luzon ang bagsik ng bagyong "Lando" nitong Linggo. AP/Aaron Favila

MANILA, Philippines – Tatlong bagyo pa ang inaasahan ng PAGASA  bago matapos ang taon.

Nilinaw naman ng state bureau na hindi pa tiyak kung ito ay tatama sa kalupaan.

Sa kasalukuyan ay nararanasan ng bansa ang epekto ng El Niño at kung daraan ang bagyo ay makakatulong itong maibsan ang panunuyot sa bansa.

TINGNAN: Pinsala ni 'Lando' sa Luzon

Sinabi pa ng PAGASA na hanggang sa Hunyo pa ng susunod na taon ang pag-iral ng El Niño sa bansa.

Samantala, dalawa sa walong inaasahang bagyo ng PAGASA sa unang anim na buwan ng 2016 ang tinatayang tatama sa kalupaan.

Nitong nakaraang Linggo lamang ay naramdaman ng hilagang Luzon ang epekto ng bagyong “Lando” na kumitil ng 54 buhay at nanira ng P7 bilyong halaga ng agrikultura at impastraktura.

 

Show comments