Pyramiding queen, guilty - CA

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang guilty verdict ng mababang korte sa mga kasong Estafa sa tinaguriang pyramiding queen na si Rosario Baladjay.

Gayunman, sa 25-pahinang kautusan sa panulat ni CA 4th Division Associate Justice Noel Tijam at sinang-ayunan nina Associate Justices Francisco Acosta at Eduardo Peral­ta, Jr., pinagbigyan din ang bahagi ng apela ni Baladjay hinggil sa April 29, 2011 decision ng Makati Regional Trial Court Branch 133, kung saan naibasura ang dalawa sa maraming kasong isinampa laban sa kaniya partikular ang estafa charges ng complainants na sina Loreto at Jeselyne Genovata dahil sa alegasyon na walang sapat na ebidensiya.

Subalit ang mga kasong inihain nina Elvira Giron at mag-asawang Martin at Ma. Teresa Agustin, na may hatol lamang na 10  taon ay itinaas ng appellate court sa 10-20 taong pagkakabilanggo laban kay Baladjay.

Inatasan pa ng CA si Baladjay na bayaran o isoli nito sa mga complainants na sina Danilo at Elvira Giron ang investment nila sa Multitel na nasa P590,000.

Ang mga biktimang Agustins, Girons, Loreto Genovata at Jeselyne Genovata ay nahimok ni Baladjay na mag-invest ng malaking halaga sa kaniyang kumpanya subalit bigong tuparin na idedeposito ang interes hanggang sa hindi na nabawi pati ang capital.

Show comments