^

Bansa

Air traffic control experts nagsipag-abroad na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangibang bansa na umano ang mga eksperto o may karanasang personnel ng mga airport sa bansa kaya nagkakaroon ng matinding air traffic at hindi agad makalapag ang mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay House Independent Minority leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, na base sa mga ulat nasa ibang bansa na at pinirata na ng mga nag-expand na airport ang mga eksperto sa traffic control sa Pilipinas.

Kabilang umano sa mga bansang namirata ang Korea, Abu Dhabi, Thailand at iba na nakuha na lahat ang experienced traffic controller kaya ito umano ang dahilan kaya ganito kalala ang air traffic sa NAIA.

Dahil dito kaya nanawagan si Romualdez sa gobyerno na aksiyunan agad at suriin ang kapasidad at kalagayan ng mga traffic controller sa mga terminal.

Giit ng kongresista hindi na dapat pang maranasan ng mga tao ang kanyang naranasan na muntik na maaksidente noong Lunes sa himpapawid dahil hindi agad makalapag sa NAIA dahil sa air traffic.

Sabi ng solon, pinayagan silang umalis sa Bacolod Silay International Airport bandang alas 5:45 noong Lunes subalit nakalapag sila sa airport ng 8:30 samantalang ang biyahe dito ay isat kalahating oras lamang.

Bukod sa sobrang nasasayang na aviation fuel ay nalalagay din umano sa panganib ang mga pasahero kaya dapat aksyunan na agad ito ng gobyerno.

ABU DHABI

ANG

AYON

BACOLOD SILAY INTERNATIONAL AIRPORT

BUKOD

DAHIL

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

HOUSE INDEPENDENT MINORITY

LEYTE REP

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with