MANILA, Philippines – Hindi maaaring ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang deportation order kay United States Marine Pfc Joseph Scott Pemberton, ayon sa Department of Justice ngayong Huwebes.
Sinabi ni Caguioa na kailangan munang matapos ang paglilitis ng korte sa kaso ni Pemberton na suspek sa pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude.
Nitong Lunes ay inilabas ng BI ang kautusan matapos ideklarang “undesirable alien” si Pemberton.
Alam naman ng BI na kailangan muna nilang antayin ang desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.
Inalmahan din ng grupong Gabriela ang deportation kay Pemberton na anila’y dapat pagbayaran ang kasalanan dito sa Pilipinas.