MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang Provincial Police Director ng Benguet na si Sr. Supt. David Lacdan dahil umano sa mataas na bilang ng nasawi sa lalawigan sa pananalasa ng bagyong Lando.
“I asked the PNP chief to relieve Benguet Provincial Director for big number of casualties,” pahayag ni Sarmiento.
Binigyang diin ng Kalihim na kulang sa preparasyon ang lalawigan ng Benguet at isinisi ito kay Lacdan sa pagsasabing ang pangunahing tungkulin ng pulisya ay maglingkod at magbigay proteksyon sa buhay ng mamamayan.
Sinasabing ilang araw pa bago ang pagdating ng bagyo ay nagpalabas na sila ng babala sa posibleng landslides kaya gumawa na sana ng mga hakbang ang mga kapulisan.
Nasa no. 3 ang typhoon signal sa Benguet.
Ayon sa report, 14 ang nasawi sa Benguet pero may ulat na halos 20 ang nasawi sa Cordillera.