MANILA, Philippines – Inalmahan ng isang grupo ng mga kababaiha ang pag-deport kay United States Marine Pfc Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude.
Sinab ng Gabriela party-list na sangayon sila sa desisyon ng Bureau of Immigration na ideklarang “undesirable alien” si Pemberton tulad ng hiniling ng pamilyang Laude.
“While the undesirable alien declaration is a well deserved punishment for Pemberton, the deportation procedure must not preclude the verdict on the murder case filed against him at the Olongapo RTC (Regional Trial Court),” pahayag ni Gabriela Secretary General Joms Salvador.
Iginiit ni Salvador na dapat ay sa Pilipinas makulong si Pemberton oras na mapatunayan ito ng korte.
“If he is found guilty he should be jailed in Philippine territory where he committed the crime,” patuloy ng Gabriela Sec Gen.
“Only when we see him languishing in a Philippine jail would we concude that justice for Jennifer has been served,” dagdag niya.
Nitong Lunes ay naglabas ng deportation order ang BI para kay Pemberton sa kabila ng pagdinig ng kasong murder.
Nilinaw naman ng BI na hindi ito kaagad mapapatupad dahil kailangan pa nito ng clearance mula sa Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.
“Pemberton would not be deported until we get clearance from the court… We would have to wait for the court’s decision before we could physically deport him,” pahayag ni Tan BI spokesperson Elaine Tan.