Palasyo sa Baler mayor: Sino ba mas mahalaga? Ikaw o ang taumbayan?

MANILA, Philippines – Sinagot ng Malacañang ngayong Miyerkules ang pahayag ni Aurora Mayor Nelianto Bihasa na hindi umano siya nakatanggap ng relief goods na pinamahagi ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda  na para sa mga biktima ng bagyo ang ipinamahaging tulong nina Liberal Party (LP) presidential candidate Manuel Roxas II at running mate, Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

"Sino ba ang mas mahalaga rito? Ang ibigay ang relief goods sa mayor o ibigay ang relief goods sa taumbayan?" pahayag ni Lacierda.

Iginiit din niya na nakatanggap ang mga residente ng Baler ng tulong, patunay dito ang inilabas na larawan ng LP media bureau.

"Paki-clarify lang siguro ni Mayor Bihasa kung siya mismo, hindi dumaan sa kanya ang relief goods. Hindi namin problema 'yon because ang mahalaga sa amin 'yung taumbayan," pahayag ni Lacierda.

"Ang taumbayan dapat ang makatanggap ng relief goods, at hindi si Mayor Bihasa.”

Pinabulaanan din ni Lacierda na may halong pangangampanya ang pagtulong nina Roxas at Robredo.

 

 

Show comments