MANILA, Philippines – Itinigil muna ng tambalang Mar Roxas at Leni Robredo ang kanilang pangangampanya upang magsimula ng sarili nilang relief at repacking operations para sa mga biktima ng bagyong Lando.
Ang headquarters ng Partido Liberal sa lungsod Quezon ay ginawang repacking center kung saan maagang nagsimula ang mga volunteer ng Mar-Leni tandem.
Namataan din sa repacking operations sina Roxas, Robredo, ang maybahay ni Roxas na si Korina Sanchez at mga anak ni Robredo na sina Tricia at Jillian. Ang Operation Tulong Bayan ay nagsimula noong 2009 noong panahon ng Ondoy.
Target ng Mar-Leni tandem na makapagbigay ng 5,000 food packs para sa mga nasalanta ng bagyo.
Pumunta naman kahapon sa Baler, Aurora sina Roxas at Robredo para ipamahagi ang mga donasyon nila ng relief goods.