MANILA, Philippines – Isang political science professor ng De La Salle University (DLSU) ang naghain ng disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) upang ipabasura ang certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe sa pagkapangulo.
Inihain ni Antonio Contreras ang reklamo dahil hindi umano nakumpleto ni Poe ang 10-year requirement upang makatakbong pangulo.
BASAHIN: Dick Gordon hinimok ng UNA, LP na kasuhan si Poe
Sinabi pa ni Contreras sa kaniyang Facebook account na may iba pang mali sa COC ng senadora.
POE ALERT!Grace Poe has indicated in her COC an address for election purposes. It is a Law Office in Cabildo St. in...
Posted by Antonio P. Contreras on Monday, October 19, 2015
Kahapon ay naghain din ng kaparehong kaso si dating Sen. Francisco "Kit" Tatad, habang nitong Biyernes ay isang abogadong taga-Makati ang nagreklamo na rin sa Comelec laban kay Poe.