TINGNAN: Pinsala ni 'Lando' sa Luzon

MANILA, Philippines – Humina na ang bagyong “Lando” ayon sa PAGASA ngayong Martes, ngunit libu-libong pamilya ang naapektuhan at ilang ari-arian ang winasak nito sa pagdaan sa kalupaan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa National Disaster and Risk Reduction Management and Council (NDRRMC) tinatayang 60,170 pamilya o 290,797 katao mula sa regions I, II, III, IV-A, V, National Capital Region at Cordillera Administrative Region ang apektado sa pananalasa ni Lando.

Labing-dalawang buhay din ang nabawi sa pananalasa ng pang-12 bagyo ngayong taon.

Tingnan ang mga larawang nakuha noong kasagsagan ng bagyo:

 

AP/Aaron Favila at Bullit Marquez

Show comments