^

Bansa

Voters registration ‘wag nang i-extend

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutol si House Committee on Suffrage Chairman Fredinil Castro sa mga panawagang palawigin pa ang voters re­gistration. 

Ayon kay Castro, maha­la­gang matutunan ng mga botante ang pagkakaroon ng disiplina.

Kaya kung palalawigin pa umano ang voters registration ay magiging kampante na naman ang mga botante.

Bukod dito makakaapekto rin umano sa paghahanda ng Comelec para sa 2016 elections ang pagpapalawig ng voters registration.

Itinakda ng Comelec ang voters registration at validation ng biometrics hanggang Oktubre 31 ng taong kasalukuyan.

Matatandaan na ilang kongresista na ang nanawagan para sa pagpapalawig ng voters registration kabilang na dito sina Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, Leyte Rep.Martin Romualdez, Speaker Feliciano Belmonte at Quezon City Rep. Alfred Vargas.

Giit ng mga nasabing kongresista, ang tunay na reporma ay maaabot lamang kung halos lahat ng mga botanteng Pinoy ay mabibigyan ng pagkakataong makapaghalal ng mga bagong lider ng bansa.

ACIRC

ALFRED VARGAS

ANG

COMELEC

HOUSE COMMITTEE

LEYTE REP

MARTIN ROMUALDEZ

QUEZON CITY REP

SPEAKER FELICIANO BELMONTE

SUFFRAGE CHAIRMAN FREDINIL CASTRO

TERRY RIDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with