^

Bansa

Hiling sa Ombudsman: P300-M DBP loan kay Marinduque Governor Reyes, ipinababasura

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng Marinduque Reform Movement (MRM) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ipahinto ang P300 milyong loan agreement sa pagitan ng Marinduque government sa pamamagitan ni Gov. Carmencita Reyes at Development Bank of the Philippines (DBP) na nakatakda ngayon, Oct. 20, 2015.

Sinabi ni Eliseo Obligacion, MRM head, dapat ipatigil ng Ombudsman ang nasabing loan agreement dahil sinuspinde na ng Sandiganbayan si Reyes nitong Oktubre 8, 2015 dahil sa 2 kaso: isa ay ang technical malversation ng P5 milyong fertilizer fund na ginamit sa pagbili ng equipment; at ang  paglabag sa RH 3019 or Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng pinaboran ni Reyes ang supplier ng walang public bidding. 

Wika pa ni Obligacion, dahil sa dalawang kaso, hindi dapat ipagtiwala kay Reyes ang P300 milyong loan at malamang  madispalko ulit.

Mismong Commission on Audit (COA) ang nagpatunay na mayroong surplus fund na nagkakahalaga ng P105 milyon ang provincial government ang unexpended appropriations at may outstanding P30 milyong loan ito nitong December 2014 na hindi pa nababayaran.

Nangangamba ang MRM na malamang magamit lamang ang nasabing P300-M loan ni Reyes sa DBP sa umano’y pamumulitika sa nalalapit na eleksyon tulad ng vote-buying lalo’t nakatanggap sila ng ulat na ang barangay chairmen na tapat kay Reyes ang pinangakuan umano ng gobernador ng mga proyekto basta suportahan ito sa nalalapit na 2016 elections.

 

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CARMENCITA REYES

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

ELISEO OBLIGACION

HINILING

MARINDUQUE

MARINDUQUE REFORM MOVEMENT

MISMONG COMMISSION

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with