^

Bansa

Lando lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumakas ang bag­yong Lando habang pa­p­alapit sa direksiyon ng Isabela-Aurora province kung saan dito inaasahang mag-landfall nga­yong gabi o Linggo ng umaga.

Taglay ni Lando ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras at pagbugso na 160 kph.

Alas-5 ng hapon ka­hapon, si Lando ay nama­taan sa layong 510 kilometro silangan ng Baler, Aurora at kumikilos pakan­luran sa bilis na 15 kph.

Nakataas sa signal number 2 ang mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Northern Quezon, Polillo Island.

Signal number 1 naman sa Cagayan, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Bataan, Rizal, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon province, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Metro Manila.

Inaasahang magtatagal pa si Lando sa bansa hanggang sa susunod na linggo kaya pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat.

ACIRC

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ILOCOS SUR

LA UNION

LANDO

METRO MANILA

MT. PROVINCE

NORTHERN QUEZON

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with