^

Bansa

Duterte sa mga taga-suporta: Ayaw nilang tanggapin ang totoo

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumpirmadong hindi tatakbo bilang pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos magsara ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes, hudyat din na hindi na sila tatanggap ng mga certificate of candidacy (COC).

Marami sa kaniyang mga taga-suporta ang umasa hanggang sa huling mga minuto bago magsara ang opisina ng Comelec sa Intramuros na siya ay magpapakita at maghahain ng kaniyang COC, ngunit hindi ito nangyari.

Sa kaniyang panayam sa radyo, sinabi ni Duterte na ayaw lamang tanggapin ng kaniyang mga taga-suporta ang katotohanan na hindi siya tatakbong pangulo sa kabila ng ilang beses niyang paggiit na hindi niya ito pangarap.

“Alam nila na nagsasabi ako ng totoo, ayaw lang nila tanggapin ang totoo,” wika ni Duterte sa dzMM.

Ipinaliwanag ng alkalde kung bakit hanggang sa huli ay naniniwala pa rin ang mga tao na kung hind man siya maghahain ng COC ay gagawin siyang replacement ng kaniyang partidong PDP-Laban upang makasama pa rin sa karera sa pagkapangulo sa 2016.

Sinabi ni Duterte na tila nakukulangan ang mga tao sa pipiliing kandidato at hindi sila komportable sa mga ito.

Binaggit niya ang tatlong nangungunang kandidato na sina Sen. Grace Poe, Bise Presidente Jejomar Binay at dating Interior Sec. Mar Roxas.

“Maybe hindi sila comfortable with Mar (Roxas), kay Grace naman with looming problem of being an American tapos makulong si Binay, siguradong makulong yan kasi may charges na sa Sandigan dadating, e ‘di standing alone si Mar,” paliwanag ng Davao city mayor.

“…ang tao walang choices. Kasi ‘yung isa baka madisqualify, ‘yung isa baka makulong, ‘yung isa baka-bakahan lang,” dagdag niya.

Patuloy ni Duterte na tila natatakot ang mga tao na masayang ang kanilang mga boto kaya pinipilit siya ng mga tao na tumakbo.

“The problem is kay Grace sayang boto mo baka ma-disqualify. Si Binay baka makulong, makakakampanya pa ba? Ito namang si Mar Roxas baka sakali maisipan niya na madisiplina niya ang mga tao nya but it will be very costly.

Wala ring balak mag-endorso si Duterte sa tatlong inilarawan niya bilang kaibigan (Roxas), kakilala (Binay) at newly acquired friend (Poe).

Sa huli ay sinabi niya sa publiko na kalimutan na siya dahil wala talaga siyang balak pamunuan ang buong bansa.

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

COMELEC

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

HINDI

MAR ROXAS

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with