MANILA, Philippines — Isang petisyon upang ibasura ang certificate of candidacy ni Sen. Grace Poe (COC) sa pagkapangulo ang inihain ng isang abogado sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes.
Sinabi ng abogadong si Estrella "Star" Elamparo na dapat ay ang mga taong kwalipikado lamang ang tumakbo sa nalalapit na eleksyon.
"It can lead to [Poe's] disqualification," pahayag ni Elamparo na rehistradong botante ng Makati.
Tinatanggap ng Comelec ang mga petisyon kasabay ng pagtanggap nila ng mga COC.
Bukod dito, nahaharap din si Poe sa disqualification case bilang senador matapos kuwestiyonin kung tunay ba siyang Pilipino.
Kahapon ay naghain si Poe ng kaniyang COC kasama ang kaniyang runnin mate na si Sen. Francis "Chiz" Escudero.