Dating SAF chief Napeñas tatakbong senador ng UNA

dating Philippine National Police Special Action Force (SAF) chief General Getulio Napeñas . Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Tatakbong senador si dating Philippine National Police Special Action Force (SAF) chief General Getulio Napeñas sa ilalim ng United Nationalist Alliance ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Naghain ng kaniyang certificate of candidacy si Napeñas ngayong Biyernes sa tanggapan ng Commission on Election sa Intramuros.

Nitong Hulyo ay nagbitiw si Napeñas sa serbisyo at nagsabing tatakbong senador sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan party.

Ikinatuwa ng dating hepe ng SAF ang pagkilala ni Binay sa mga nasawing miyembro nang mapasabak sa Mamasapano Maguindanao nitong Enero.

Nais niyang mabigyan ng hustisya ang 44 miyembro ng SAF na nasawi.

Matapos ang jnsidente ay sinibak sa pwesto si Napeñas.

Show comments