MANILA, Philippines – Sisikapin ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na walang maiiwang Pilipino dahil mahalaga lahat.
“Nasa stage tayo sa ating bansa na marami tayong narating in terms of economic growth ngunit ang kulang dito ay pagiging inclusive,” giit ni Robredo.
“Ito ang ating magiging mission, to make sure na kung ano ang nararamdaman sa itaas, nararamdaman din sa ibaba,” dagdag pa niya.
Nais ni Robredo na tiyakin na ang pangunahing serbisyo ay naibibigay sa pinakamaliit na tao sa pinakamalayong lugar.
Ayon kay Robredo, ang kanyang mga nabanggit ay pagpapatuloy lang ng kanyang pananaw sa paninilbihan mula nang maupong kinatawan ng Camarines Sur.
Paliwanag ni Robredo, isa sa mga susi para mangyari ito ay ang tulong na ibinibigay ng local government units (LGU).
“Ang mga LGUs kasi, parang sila ang basic deliverer ng services. Sa kanila umaasa sa basic services, kanila umaasa sa education at sa kanila rin ang livelihood,” wika niya.