^

Bansa

Mataas na kuryente ibababa - Petilla

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isusulong ni Koalis­y­on ng Daang Matuwid senatorial candidate Jericho “Icot” Petilla ang mas mababang rate ng kuryente sa pamamagitan ng pag-amyenda sa EPIRA Law sa sanda­ling magwagi siya sa darating na 2016 senatorial race.

Sinabi ni Icot Petilla sa media interview matapos ipakilala ng Liberal Party (LP) ang 12 senatorial ticket nito sa Balay Headquarters, sa sandaling maupo siya sa Senado ay prayoridad nito ang pag-amyenda sa EPIRA Law upang mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

Wika pa ni Petilla, ang EPIRA Law ay dapat magsilbi para sa kagalingan ng mamama­yan at electric consumer subalit nagmistulang pinaboran nito ang mga power generators at Independent Power Producers (IPP’s).

Aniya, ang mga magagandang probis­yon sa EPIRA Law ay dapat manatili subalit ang mga probisyon na kontra-mamamayan at pabor sa mga IPP’s ay dapat alisin at palitan para mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

Idinagdag pa ni Petilla, kahit nagsilbi siyang kalihim ng Department of Energy (DoE) ay wala siyang magagawa dahil nakatali tayo sa EPIRA Law kaya dapat ang batas na ito ang baguhin at amyendahan upang maibaba natin ang pres­yo ng kuryente.

“May mga malabong probisyon sa EPIRA Law na dapat baguhin tulad ng cross-ownership. Dapat ilahad sa taumbayan ang mga negosasyon at usapan. Kapag walang batas na matino, inutil ang magiging DOE secretary. Kaya dapat ibaba ang presyo ng kuryente,” paliwanag pa ni Petilla.

ACIRC

ANG

ANIYA

BALAY HEADQUARTERS

DAANG MATUWID

DAPAT

DEPARTMENT OF ENERGY

ICOT PETILLA

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

LIBERAL PARTY

PETILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with