Mag-amang Binay pinakakasuhan ng Ombudsman

MANILA, Philippines - Matapos kakitaan ng pro-bable cause, pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sina Vice President Jejomar Binay, Sr., Makati Mayor Jejomar Erwin“Jun-Jun” Binay, Jr., at 22  iba pa may ki­nalaman sa maanomalyang bidding at pagtatayo ng  Makati carpark building project na ginawa mula noong 2007 hanggang  2013.

Kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Malversation of Public Funds at Falsification of public documents ang pinakakaso sa mag amang Binay at sa 22 iba pa.

Si VP Binay ay nahaharap sa  4 counts ng paglabag sa Section 3 (e) ng  R.A. No. 3019, 6 counts ng Falsification of Public Documents at isang count ng Malversation para sa kanyang pagkakasangkot sa  phase 1 at 2  ng  carpark project.

Sa record, inaprubahan ni  VP Binay at Mayor Binay, Jr ang BAC resolutions, notices of awards, contracts at bayarin sa proyekto gamit ang  unnumbered/undated disbursement vouchers at obligation requests.

Tinaasan naman ng kilay ni Ombudsman Morales ang sabi ni VP Binay na ang Ombudsman ay walang hurisdiksiyon na im-bestigahan ang mga impeacha­ble officials.

 

Show comments