^

Bansa

Hindi ako kailangan ng bansa – Duterte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tulad ng kaniyang naunang desisyon, hindi tatakbong pangulo sa eleksyon 2016 si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kabila ng mga panawagan upang pamunuan ang bansa.

Humingi ng paumanhin si Duterte ngayong Lunes sa lahat ng umasa na siya ay tatakbong pangulo ng bansa at iginiit na hindi naman talaga niya pinangarap ito.

“I therefore beg for everyone's kind understanding and acceptance of my sincerest apologies. After all, there was no ambition for me to aspire for the presidency,” pahayag ng alkalde. “The country does not need me.”

BASAHIN: Talumpati ni Duterte sa hindi pagtakbo sa 2016

Sinabi pa ni Duterte na maaaring tumakbo na lamang siyang muli sa pagkaalkalde kapag tumanggi ang kaniyang anak na palitan siya.

Sa huli ay nais ng alkalde na magtapos ang kaniyang karera sa politika na naninilbihan para sa Davao City.

“Time and again, those who believed in me, and in the cause that I advocated, and continued to advocate, advised me to go for the country's presidency because that is the destiny that awaits me. But I believe that my destiny is to end years and years of public life in the service of Davao City and every Dabawenyo.”

BASAHIN: Senatorial ‘dream team’ ni Duterte inilabas

ACIRC

BANSA

BUT I

DABAWENYO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HUMINGI

SINABI

TALUMPATI

TULAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with