^

Bansa

Kasong kriminal vs Jojo, Junjun Binay OK sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Nakatakdang kasuhan na ng Office of the Ombudsman sina Bise Presidente Jejomar Binay, suspended Makati Mayor  Ewrin “Junjun” Binay at 22 iba pa kaugnay ng maanomalyang Makati City Hall II parking building.

Sinabi ng Ombudsman na nahaharap sa kasong kriminal ang mga Binay at 22 iba pa dahil sa malversation and falsification of public documents in violation of Section 3 of Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

"Binay is being investigated for criminal acts committed while he was a city mayor and not as vice president," paglilinaw ng Ombudsman.

Nagsimula ang bidding para sa P2.28-bilyon carpark building noong alkalde pa ang nakatatandang Binay hanggang sa ginawa na ito at ang nakababatang Binay na ang nakaupo sa pwesto.

Kapwa nahaharap ang mag-ama sa four counts ng graft, six counts ng falsification of public documents at malversation charge.

Samantala, kaninang umaga ay naghain na si Bise Presidente Binay ng kaniyang certificate of candidacy para sa pagkapangulo sa 2016.

Nitong Biyernes naman ay iniutos ng Ombudsman na i-dismiss na si Junjun Binay bilang alkalde ng Makati City.

 

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BINAY

BISE PRESIDENTE BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

JUNJUN BINAY

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR

NITONG BIYERNES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with