Win naalarma sa kidnapping sa Mindanao
MANILA, Philippines - Nababahala si NPC Rep. Win Gatchalian sa pagtaas ng insidente ng kidnapping sa Mindanao na ang huling naiulat ay isang Italian businessman na dating Catholic missionary priest.
Ayon kay Gatchalian, si Rolando del Torchio, dating pari ng Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME), ay kinidnap ng hindi kilalang mga tao alas-7 ng gabi noong Oktubre 7, sa loob ng kanyang pizza restaurant sa Andres Bonifacio College compound, Dipolog City.
Ang pagkawala ni Torchio ay nangyari matapos ang pagkidnap sa dalawang Canadian national, isang Norwegian at isang Pinay ng may 20 armadong kalalakihan sa isang beach resort sa Samal Island, Davao del Norte noong September 21.
Sinabi ni Gatchalian, pinasabihan na niya si Interior Secretary Mel Senen Sarmiento na pag-ibayuhin ang security operations sa Southern Philippines, partikular sa mga lugar kung saan marami ang mga banyaga.
“There is now a trend in Mindanao where foreigners are being targeted for kidnapping. I hope these kidnap cases have nothing to do with the 2016 elections or with the forthcoming Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit next month,” ayon kay Gatchalian.
- Latest