Mga palaboy itatago uli ng DSWD sa APEC?
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon na may plano na naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itago muli ang mga palaboy sa kalsada sa isang resort habang ginaganap ang APEC summit sa Nobyembre.
Sa interpelasyon ni Ridon sa plenary deliberations para sa 2016 budget ng DSWD, tinanong ni Ridon kung uulitin ng ahensya ang ‘vanishing act.’
Hindi makapagbigay ng commitment ang ahensya kung ititigil na nito ang outings dahil patuloy daw ang implementasyon ng Modified Conditional Cash Transfer Program (MCCTP).
Ang MCCTP ay bahagi ng Conditional Cash Transfer (CCT) Program kung saan kabilang ang mga programa para sa mga palaboy at mahihirap na pamilya.
Nilinaw ng tumayong sponsor sa DSWD budget na si Rep. Maria Carmen Zamora na hindi nahinto ang mga aktibidad sa homeless families sa kabila ng kontrobersya sa pagdalaw ng Santo Papa.
Matatandaang kinuha ng DSWD ang may 100 katao sa Roxas Blvd. at dinala sa Chateau Royal sa Batangas bago ang 5-day apostolic visit ni Pope Francis noong Enero.
Humihingi ang DSWD ng P104.2-billion budget para sa susunod na taon kung saan P62.6-billion dito ay para sa conditional cash transfer.
- Latest