MANILA, Philippines - Inanunsiyo ni OFW partylist Rep. Roy “Amba” Señeres ang pagtakbo nitong presidente sa 2016 Elections na may kumpletong senatorial slate at bise presidente.
Ayon kay Señeres, ang kanyang hakbang ay bilang tugon sa magkakahiwalay na manifesto ng grupong Respect Our Security of Employment (ROSE) movement, Alisin ang Tanikala ng Kontraktuwalisasyon at Korapsyon (ATKK) at ng Friends of Roy Seneres Everywhere (FORSE).
Tatakbo si Señeres sa ilalim ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM) sa pangunguna ni Atty. Jose Malvar Villegas na umano’y accredited ng Comelec bilang national political party at may platapormang Pamilyang may Edukasyon, may Trabaho, may Tahanan at may laman ang mga Tiyan o PETT.
Ang magiging bise umano ni Señeres ay isang 50 taong gulang na religious leader, habang ilang senatoriable nito ay tatlong muslim, teacher, OFW na mga leaders subalit tumanggi muna itong ihayag ang mga pangalan.
Pagtutuunan umano ng kanilang partido ang pag-aalis ng contractualization at job order employment and corruption sa manggagawang Filipino at kanilang security of tenure.