^

Bansa

Señeres tatakbong presidente

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsiyo ni OFW partylist Rep. Roy “Amba” Señeres ang pagtakbo nitong presidente sa 2016 Elections na may kumpletong senatorial slate at bise presidente.

Ayon kay Señeres, ang kanyang hakbang ay bilang tugon sa magkakahiwalay na manifesto ng grupong Res­pect Our Security of Employment (ROSE) movement, Alisin ang Tanikala ng Kontraktuwalisasyon at Korapsyon (ATKK) at ng Friends of Roy Seneres Everywhere (FORSE).

Tatakbo si Señeres sa ilalim ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM) sa pangunguna ni Atty. Jose Malvar Villegas na umano’y accredited ng Comelec bilang national political party at may platapormang Pamil­yang may Edukasyon, may Trabaho, may Tahanan at may laman ang mga Tiyan o PETT.

Ang magiging bise umano ni Señeres ay isang 50 taong gulang na religious leader, habang ilang senatoriable nito ay tatlong muslim, teacher, OFW na mga leaders subalit tumanggi muna itong ihayag ang mga pangalan.

Pagtutuunan umano ng kanilang partido ang pag-aalis ng contractualization at job order employment and corruption sa manggagawang Filipino at kanilang security of tenure.

ACIRC

ALISIN

ANG

ATILDE

AYON

COMELEC

EDUKASYON

FRIENDS OF ROY SENERES EVERYWHERE

INANUNSIYO

JOSE MALVAR VILLEGAS

OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with