^

Bansa

Bayan nakukuba sa tax - Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pahirap sa mga mamamayan ang kasalukuyang tax system sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Vice President Jejomar Binay sa harap ng mga negos­yante at bangkero sa ika-4 Deutsche Bank Access Philippines sa Makati City.

“The current tax system puts too much burden on working class taxpayers and very little on well-off individuals,” ani Binay.

Sinabi ni Binay na umaabot sa 85 porsyento ng kabuuang koleksyon ng individual income tax ay binayaran ng working class habang ang 15 porsyento ay mula sa self-employed individuals at professionals.

Iginiit ni Binay na kailangan ang agarang pag-reporma sa kasalukuyang tax system ng bansa.

“Our tax system must be seen as fair. Those with bigger pay checks ought to pay higher taxes than those who earn less and inflation-adjusted tax brackets—even if it will result in a short-term reduction of tax revenues—is only just,”pahayag ni Binay.

Sa mga kapitbahay na bansa sa Asya, nabatid na ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na personal income tax rate, 32 porsyento at may pinakamataas na corporate income tax rate, 30 porsyento.

Binigyang-diin ni Binay na hindi lamang dapat nakatuon ang pamahalaan sa pagtataas ng value-added tax ng 14% mula sa 12% upang maibsan ang epekto ng pagbaba ng tax rates.

Kailangan umanong paigtingin ang revenue collection efforts at kampan­ya laban sa mga smugglers, sell government assets, privatize select government-owned at controlled corporations at aprubahan ang revenue-generating measure.

Iginiit pa ni Binay na ang pagpababa ng rates ng income tax at corporate tax sa bansa ay mag-aatract sa mga investors o namumuhunan.

Una nang sinabi ni Binay na kapag siya ang nanalong pangulo sa 2016, agaran niyang isusulong na mapababa ang buwis sa bansa.

ACIRC

ANG

ASYA

BINAY

BINIGYANG

DEUTSCHE BANK ACCESS PHILIPPINES

IGINIIT

MAKATI CITY

PILIPINAS

TAX

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with