Tolentino nagpatanggal sa LP senatorial slate

Metro Manila Development Authority chair Francis Tolentino. Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines – Ayaw na ni Metro Manila Development Authority chair Francis Tolentino na mapabilang ang kaniyang pangalan sa senatorial slate ng Liberal Party (LP) para sa 2016, kasunod ng isyu ng “Playgirls.”

Kusang nagpatanggal si Tolentino sa lineup ng LP kasunod na rin ng mga pahayag ng ilang babaeng makakasama niya sa karera na ayaw siyang makasama.

Kabilang sina Justice Secretary Leila de Lima at PhilHealth director Risa Hontiveros sa mga nagpahayag na hindi sila magiging komportable makasama si Tolentino.

 “It’s hard because I’m for upholding women’s dignity and rights,” pahayag ni De Lima.

Humingi na ng paumanhin si Tolentino sa womens' rights groups, Laguna Rep. Benjamin Agarao Jr. at dahil sa pagpapadala niya umano ng mga nagseseksihang babae upang magtanghal sa isang political gathering sa Laguna.

Tatlong babae mula sa grupong Playgirls ang gumiling, tumuwad habang sumasayaw sa harap ng mga taga-suporta ng LP.

Itinanggi ni Tolentino na siya ang nagpadala ng mga dancer.

Show comments