^

Bansa

Duterte-Marcos ‘bangungot’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ideklara ni Senator Bongbong Marcos ang kanyang vice presidential bid at posibilidad ng Duterte-Marcos tandem sa 2016 elections, ilang analyst at human rights groups naman ang nagpahayag ng pagtutol dito dahil sa halip na “dream team” ay mas nakikita umano nila ang “nightmare” o ba­ngungot.

Para kay University of the Philippines Political Science Prof. Ranjit Rye, ang Duterte-Marcos team up ay nagpapakita ng isang problematic narrative o partnership.

“We must look at the images being conveyed and not just the practical electoral advantages. As far the imaging is concerned, Mayor Digong Duterte started his service in Davao as OIC vice mayor of the city, after the EDSA revolution as part of the Cory administration,” pahayag ni Rye.

Sinabi ni Rye na magkaiba ang background ng dalawa kung saan maituturing umano si Marcos sa linya ng traditional politicians habang iba naman si Duterte.

Gayundin naman ang sentimyento ni Sen. Koko Pimentel, presidente ng PDP-Laban kung saan kabilang si Duterte. Aniya si Marcos ang pinakahuli sa kinokonsidera ng partido na maging running mate ni Duterte.

Hindi rin pabor si  Ba­gong Alyansang Maka­bayan Secretary General Renato Reyes sa planong pagtakbo sa mas mataas na posisyon ni Marcos na tinawag nitong isang hakbang muli para sa Marcos dictatorship.

“In the name of the thousands killed, disappeared, tortured and imprisoned during the [Marcos] dictatorship, we say, ‘No’,” giit ni Reyes.

Sinabi rin ni UP Political Science Prof. Jean Franco na isang “uphill battle” ang VP bid ni Marcos dahil na rin sa history ng pamilya.

Kung hindi si Marcos ang napipisil ng ilang organisasyon na maging runningmate ni Duterte ay isa si Sen. Alan Peter Cayetano na nagpahayag din ng kanyang VP bid. Sinabi ni Rye na malaki ang pagkakatulad nina Duterte at Cayetano sa panunungkulan kaya naman mas maituturing pa itong malaki ang tiyansa sa 2016 election.

“Duterte-Cayetano narrative is easier to market because it is built on an argument of good gover­nance. I consider it a “dream team”, pahayag ni Rye.

Sinabi naman ni Association of Political Consultants in Asia (APCA) President Prospero De Vera III na ang Duterte-Cayetano tandem ay pabor sa magkabilang panig dahil si Cayetano ay nakatuon sa mga relevant issues at makatutulong naman sa pagpapatupad nito ang tough image ni Duterte.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ALYANSANG MAKA

ANG

ASSOCIATION OF POLITICAL CONSULTANTS

CAYETANO

DUTERTE

DUTERTE-CAYETANO

DUTERTE-MARCOS

MARCOS

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with