Health workers na nag-asikaso sa RITM, naka-quarantine Saudi national patay sa MERS-CoV

Sinabi ng kalihim sa isang press conference, na Setyembre 29 nang bawian ng buhay ang di pinangalanang banyaga na halos may 3 buwang inobserbahan sa RITM. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Health Secretary Janette Garin na pumanaw na ang isang Saudi national na ipinasok sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City  nang matuklasang positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-CoV).

Sinabi ng kalihim sa isang press conference, na Setyembre 29 nang bawian ng buhay ang di pinangalanang banyaga na halos may 3 buwang inobserbahan sa RITM.

Samantala, tinututukan pa rin sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang healthcare workers na nag-alaga sa nasabing Saudi national.

Gayunman, negatibo naman umano sa pagsusuri  ang nasa 12 health workers na nag-asikaso sa pasyenteng dayuhan subalit kinailangang obserbahan at i-quarantine muna ang mga ito.

Ang mga ito ay araw-araw umanong susuriin sa susunod na 14 na araw upang matiyak na hindi sila nahawahan ng nakamamatay na virus.

Una nang napaulat na isang 36-anyos na lalaking pasyente mula sa Middle East ang dinala sa RITM noong Hulyo 4.

Hindi naman ibinunyag kung kailan dumating sa bansa ang pasyente at kung saang lugar siya tumuloy bago natukoy na positibo siya sa virus.

Show comments