^

Bansa

Gordon umapela sa publiko: Tulungan ang dengue patients

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Philippine Red Cross Chair (PRC) Richard Gordon sa publiko na patuloy na suportahan at magbigay ng tulong sa mga pasyente ng dengue outbreak sa Metro Manila at sa mga probinsya tulad ng Cavite at Bulacan.

Hinikayat pa ni Gordon ang mamamayan na patuloy din sa pagbibigay ng dugo sa pamamagitan ng 27 blood centers at 82 blood banks ng PRC upang mabilis na maipadala sa mga lugar na matinding tinamaan ng sakit.

Sa kasalukuyan, ang PRC ay nagsusuplay ng 52% sa pangangaila­ngan ng dugo sa Pilipinas.

Humingi rin ng tulong si Gordon sa mamamayan na maging Red Cross volunteers sa pamamagitan nang pag-enroll sa 143 Program ng PRC upang magkaroon ng kahit 144 health at disaster relief volunteers sa bawat barangay.

Umapela rin ito ng tulong sa ginagawa ng PRC para tulungan ang lokal na pamahalaan sa Cavite at Bulacan na dumaranas ngayon ng dengue outbreak.

Nagpadala na ang PRC sa Cavite ng isang Rubb Hall o 100-bed hospital tent, na itinayo na sa General Emilio Aguinaldo Hospital  sa Trece Martires City.

Nabigla ang Cavite health facilities sa halos 4,600 biktima ng sakit kung saan halos paubos na rin ang P12-milyong anti-dengue fund nito.

“Tumulong sana ang lahat sa anti-dengue efforts ng PRC sa pamamagitan ng pagboluntaryo at donasyon, ma­ging ito ay pera o dugo. Importante din ang suporta sa kampanya laban sa dengue upang maiwasan na kumalat pa ito,” wika ni Gordon.

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue cases sa 17 munisipalidad sa Cavite, nagpadala na ang National Blood Services ng PRC sa pamamagitan ng PRC Cavite Chapter ng may 28 units ng iba’t ibang uri ng blood types, lalo na ng platelet concentrates, at paglalagay na rin ng platelet agitator bilang blood storage.

Ang iba pang lugar na iniulat na patuloy sa pagtaas ng bilang ng dengue ay Zambales, Palawan, Isabela, Ilocos Sur, Abra, Ilocos Norte, Lanao Del Norte, La Union, at Olongapo City. Nitong Set­yembre, nagpadala ang PRC ng 40 units ng dugo sa Marinduque dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue.

ACIRC

ANG

BULACAN

CAVITE

CAVITE CHAPTER

DENGUE

GENERAL EMILIO AGUINALDO HOSPITAL

GORDON

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

PRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with