MANILA, Philippines - Pinababawi ng Food and Drugs Administration (FDA) sa merkado ng ilang batch ng isang antibiotic matapos hindi makasunod sa tamang specifications.
Sa advisory ng FDA, pinababawi nito sa merkado ang Rifampicin na may brand name na Rifanid 200 milligram per 5 milliliter suspension (200 mg/5ml) na may batch numbers C30002, C30007, at C30008 na mae-expire sa May at July 2016.
Lumitaw sa pagsusuri na hindi agad natutunaw ang powder sa tubig at nagbubuo-buo ito kahit pa ito kalugin.
Ang Rifampicin Suspension ay ginagamit na panlunas sa TB, leprosy, at iba pang impeksyon.