MANILA, Philippines - Ganap ng bagyo ang isang sama ng panahon na namataan sa silangan ng Visayas na tatawaging “Kabayan”.
Alas-11 kahapon ng umaga, si Kabayan ay namataan ng PAGASA sa layong 75 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
Bunga nito, nakataas ang signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Aurora at Northern Quezon kasama na ang Polillo Island.
Sa Sabado ang bagyo ay nasa layong 265 kilometro kanluran ng Laoag City,Ilocos Norte, Sa Linggo ay inaasahang nasa layong 795 kilometro ng kanluran ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng bansa.