Signal no. 1 sa 5 lalawigan kay ‘Kabayan’
MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang low pressure area sa Visayas, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyong “Kabayan” sa 610 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Kabayan ang lakas na 45 kilometers per hour (kph) habang gumagalaw sa bilis na 19 kph.
Itinaas ang public storm warning sinal sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Aurora at northern Quezon kabilang ang Polillo Island.
Inaasahang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang ulan ang bagyo sa Eastern Visayas, Caraga at Davao.
Tinatayang sa Sabado lalabas ng Philippine area of responsibility si Kabayan.
"The general public and disaster risk reduction and management councils concerned are advised to monitor for the next update to be incorporated in the public weather forecast," pahayag ng PAGASA.
- Latest