Binay hindi na most approved gov’t official – Pulse

Si Pangulong Benigno Aquino III na ang most approved top government official, ayon sa Pulse Asia survey. File photo

MANILA, Philippines — Naungusan na ni Pangulong Benigno Aquino III si Bise Presidente Jejomar Binay bilang most approved top government official, ayon sa Pulse Asia survey.

Natapyasan ng 15 puntos ang grado ni Binay nitong Setyembre na bumaba sa 43 percent, malayo sa 58 percent niya noong Hunyo.

Katapusan din ng Hunyo nang magbitiw si Binay sa gabinete ni Aquino at nagpakawala ng tirada sa gobyernong tinawag niyang mahid at palpak.

Samantala, napanatili naman ni Aquino ang kaniyang 54 percent approval rating, sapat upang maging top government official.

Sumunod naman kay Aquino si Senate President Franklin Drilon na may 50 percent rating, habang 32 percent at 29 percent sina House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ayon sa pagkakasunod.

Kumuha ng 2,400 respondents ang Pulse Asia mula sa buong bansa.

 

Show comments