MANILA, Philippines – Ito ang patuloy na panalangin ng isa sa mga hydrologist ng PAgAsa matapos ang dalawang araw na tumaas ang level ng tubig sa Angat dam na siyang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay hydrologist Richard Orendain ng PagAsa, tumaas nitong Martes ng 36 centimeter ang level ng tubig sa Angat dam, at kahapon ng umaga ay umakyat ng 10 centimeter dahilan na rin sa pagbagsak ng 77 mm na dami ng ulan sa Angat dam sa Bulacan noong nakaraang lunes.
Umaasa si Orendain na posibleng tumaas hanggang 190 meters ang water level sa Angat dam bago matapos ang linggong ito kapag bumagsak na ang tubig na manggagaling naman sa mga reservoir.
Gayunman, wala na sa critical low level ang Angat dam na 180 meters na water level pero hindi pa rin umano sapat ang dami ng tubig ngayon sa naturang dam para sa nararanasang El Niño phenomenon.
Ayon kay Orendain, bago matapos ang taong 2015 kailangan makaipon ng 212 meters na water level ang Angat dam para paghandaan ang darating panahon ng tag init sa 2016.