Pinoy pinagwawatak-watak ng gobyerno - Bongbong

Sen.  Bongbong Marcos. Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines – Pinagwawatak-watak ng pamahalaan ang mga Pilipino.

Ito ang binigyang diin ni Sen.  Bongbong Marcos sa kanyang pagsasalita sa Unibersidad de Manila kung saan naging mainit ang pagsalubong dito sa pangunguna ni UDM  President Ernest  VP Maceda.

Ayon kay Marcos, nakakalungkot lamang  isipin na  mismong ang mga Pilipino pa ang siyang nagiging kaaway ng kapwa Pilipino sa Pilipinas. Mas dapat aniyang itinataas ng  bawat isa ang  kapwa dahil bansa ang  umaangat laban sa ibang bansa.

“Walang tutulong sa Pilipino kundi ang kapwa niya Pilipino kaya’t dapat lamang na  binibigyan ng pansin ang  gobyerno ang nation building”, ani Marcos.

Sinabi ni  Marcos na wala na ang  adhikaing ‘nation building’ dahil  mismong ang pamahalaan ang gumagawa ng gulo sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng  publiko.

Naniniwala rin si Marcos na mas mabuti kung ang pamamahala ng mga proyekto at programa ay  direkta sa local government units. Ito aniya ang nakakaalam ng mga pangangailangan ng kanilang mga constituents.

Show comments