Si Leni ang VP ni Mar – Drilon

Tuloy na kaya tungo sa "Daang Matuwid" ang tambalang Mar Roxas at Leni Robredo? Facebook/Mar Roxas

MANILA, Philippines — Wala pa mang pormal na kumpirmasyon, inihayag na ni Senate President at Liberal Party (LP) chairman Franklin Drilon na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang makakatambal ni Mar Roxas sa 2016.

Sinabi ni Drilon na ang misis ng namayapa nang si dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang magiging running mate ni Roxas sa susunod na taon.

"Malamang. Sabihin na lang natin na si Congresswoman Leni na ang kandidato natin sa pagkabise presidente," pahayag ni Drilon sa kaniyang panayam sa “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN.

Wala pang desisyon si Robredo tungkol dito, ngunit sinabi niya kahapon na kailangan niyang isaaalang-alang ang desisyon ng kaniyang mga anak.

Kung sakaling matuloy ay makakalaban ni Leni sina Sen. Francis Escudero, Sen. Antonio Trillanes at Sen. Alan Peter Cayetano.

Show comments