MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ng mga mambabatas mula sa House of Representatives kay DPWH Sec. Rogelio Singson ang P2.5 billion road project sa Mindanao dahil sa mga alegasyon ng umano’y anomalya.
Hiniling din ng mga lawmakers kay Singson na gisahin niyang mabuti ang proyekto kung maaari lalu pa’t may mga reklamo na i-award ito sa undeserving na kontraktor na nagsumite umano ng mas mataas na presyo sa budget na inaprub ng gobyerno para sa nasabing project.
Sa datos na ibinigay sa mga mambabatas at Office of the Ombudsman, napag-alaman ng mga lawmakers na ang proyekto ay may ceiling cost na P2.5 billion pero inaward ito ng DPWH sa isang consortium na nagbigay umano ng mas mahal na presyo na P3 billion o 20 percent kumpara sa aprubadong halaga.
Habang ipinagpipilitan ng mga anti-corruption watchdogs na may kinalaman ang mga DPWH official sa nasabing anomalya, agad namang sinabi ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na malabong sangkot si Singson sa sinasabing korapsiyon.
Nauna nang sinabi ng mga anti-corruption on watchdogs na sangkot ang mga DPWH officials sa pagdiskwalipika ng mga kwalipikadong international bidders para sa proyekto na nagsumite ng mas mababang cost bago pa man nagsimula ang bidding process dahil umano sa minor technicalities.
”Such, is very suspicious because of premature disqualification of all other companies with international track records, but more so because no bidder will submit a higher price than what the government can afford -- especially if there are other bidders,” ani Castelo.
Binitawan ni Castelo ang kanyang mga pahayag sa deliberation ng proposed P401.14 billion DPWH budget for 2016 kamakailan kung saan binigyan niyang pansin ang sinasabing pandaraya sa bidding ng five-year contract project para ayusin at imintina ang 123.5-kilometer Surigao-Davao-Surigao (Lipata)-Agusan Del Norte road na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).