Hindi ko puwedeng talikuran ang mga anak ko – Leni

Camarines Sur Rep. Leni Robredo. PEOPLE ASIA/Mau Aguasin

MANILA, Philippines – Hindi pa tiyak ang desisyon ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo  sa pagtakbo bilang bise presidente ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas II para sa nalalapit na eleksyon.

Sinabi ni Robredo na bilang ina ay kailangan niyang isaalang-alang ang desisyon ng kaniyang mga anak.

"Sana maintindihan ng mga tao na nanay ako, hindi ko basta pwedeng talikuran ang mga anak ko. Hanggang hindi okay sa mga anak ko, hindi ako okay," wika ni Robredo sa ABS-CBN News.

Nakatakdang ihayag ng LP ang kanilang bise presidente bukas at ang kumpletong listahan ng senatorial slate.

Nauna nang naiulat na ayaw ng kaniyang dalawang babaeng anak na tumakbo ang kanilang ina sa mas mataas na posisyon.

Nitong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III kay buong pamilya ni Robredo, kabilang ang dalawang anak.

Show comments