MANILA, Philippines – Inilabas ng Employees Compensation Commission (ECC) ang patungkol sa pagpapatupad ng sampung porsiyentong pagtaas o 10 percent increase sa pensiyon ng mga kawani ng pamahalaan.
Ang hakbang ng ECC ay kasunod nang nilagdaang Executive Order 188 ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na may temang “Imposing a Ten Percent (10%) Across-the-Board Increase in EC Pension for Employees in the Public Sector.
Ang guidelines ay nakapaloob sa ECC Board Resolution (BR) No. 15-09-42 na nagsasaad na ang ten percent across-the-board increase ay ibibigay sa lahat ng EC Permanent Partial Disability (PPD), EC Permanent Total Disability (PTD) at EC survivorship pensioners sa hanay ng mga manggagawa sa pamahalaan.
Ayon sa ECC ang nasabing board resolution ay may retroactive effect mula May 1, 2015.
Ang Government Service Insurance System (GSIS), ang administering agency ng EC sa public sector, ang maglalaan at magpapalabas ng pondo para sa sampung porsiyentong umento sa buwanang pension.
Ang pagbibigay ng ten percent (10%) across-the-board increase ay bahagi ng programa ng ECC para maproteksyunan ang kapakanan at pangangailan ng mga kawaning nagkaroon ng disability habang sila ay nagtratrabaho.
Ang huling across-the-board increase para sa EC pension na 20 percent para sa government workers ay pinatupad noong 1982.