Social media ‘umuusok’ kay Leni Robredo para VP ni Mar

Umuugong naman sa social media ang pana­wagan para himukin si Robredo na tumakbong bise presidente. AJ Bolando/Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Malapit nang mabun­yag ang magiging running mate ng pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas.

Ito naman ang nakalap ng mga mamamahayag sa Iloilo  mula kay Roxas bagama’t  tumanggi itong kumpirmahin kung ano na ang naging desisyon ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo. “Aba­ngan n’yo na lang,” ani Roxas.

Umuugong naman sa social media ang pana­wagan para himukin si Robredo na tumakbong bise presidente.

Noong nakaraang linggo ay kinausap na mismo ni Pangulong Benigno S. Aquino si Robredo at ang kanyang dalawang anak.

Samantala, inamin naman ni Roxas na sa Setyembre 30, 2015 na malalaman kung sino ang magiging running mate niya. Ang Liberal Party National Executive Committee Convention, kung saan ipoproklama ng partido ang kanilang mga kandidato, ay gaganaping muli sa Club Filipino, isang makasaysayang lugar para sa Partido Liberal, Roxas at PNoy.

Ayon naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice, walo na ang kandidato ng LP para sa Senado. Kasama na dito ang  tatlong incumbent na sina Senate President Franklin Drilon and Senators Ralph Recto and Teofisto Guingona III, ang dating Senador Francis “Kiko” Pa­ngilinan at apat na mi­yembro ng Gabinete na sina Justice Secretary Leila de Lima, Technical Education and Skills Development Authority head Joel Villanueva, Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino at da­ting E­nergy Secretary Jericho Petilla.

Show comments