Bagyong Jenny, lumakas

MANILA, Philippines – Lalo pang lumakas ang bagyong Jenny habang papunta sa hilagang kanlurang direksiyon.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Jenny ay namataan ng PagAsa sa layong 1,135 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 105 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 135 kilometro bawat oras. Inaasahang aakyat pa si Jenny sa typhoon category bago makakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na araw ng Lunes.

Si Jenny ay patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

Dahil sa paglakas ni Jenny ay tumindi pa ang paghatak ng bagyo sa hanging habagat dahilan para mag-uulan sa Visayas at Mindanao.

 

Show comments