^

Bansa

Pinoy utas sa stampede: Death toll umabot na sa 717

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy ang kabilang sa daang-daang nasawi sa stampede sa Hajj pilgrimage sa Mina, Saudi Arabia kamakalawa.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, kinumpirma ng Phil. Consu­late General sa Jeddah na isang  Pinoy ang nasawi sa naganap na stampede sa Mina na ikinasawi at ikinasugat ng daan-daang katao.

Sinabi ni Jose na base sa rekord ng DFA, may 8,130 Pinoy mula sa 1.4 milyong dayuhan ang nakatala na kasama sa may 2 milyong pilgrims na dumadalo ngayong taon sa 5-araw na Hajj pilgrimage  sa pagsisimula ng Eid al-Adha holiday sa Saudi.

“Our Phil.Consulate Gene­ral in Jeddah has confirmed that one local Filipino pilgrim died in the stampede in Mecca,” ani Jose.

Sa huling tala ng Saudi Arabia Defense Ministry, umaabot na sa 717 katao (pilgrims) ang nasawi habang 863 ang su­gatan sa tent city ng Mina, may 5 kilometro o 3 milya ang layo sa holy city ng Mecca noong Huwebes.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Saudi authorities sa sanhi ng stampede. Lumalabas na bandang umaga habang dinadagsa ng pilgrims ang intersection ng streets 204 at 205 nang magkagulo ang mga deboto habang isinagawa ang “Stoning of the Devil” rites.

Sa Mina na tinaguriang tent city, nakatayo ang may 160,000 tents na pansa­mantalang tinutuluyan ng mga pilgrims na dumadalo sa  Hajj pilgrimage.

Sa kasaysayan, ito na umano ang pinakamala­king trahedya na naganap sa Hajj pilgrimage matapos ang dalawang dekada.

Nauna rito,  mahigit 111 pilgrims din ang nasawi nang bumigay at bumagsak ang mala­king crane sa Mecca nitong Set­yembre 11, 2015, may dalawang linggo na ang nakalilipas.

ACIRC

ANG

CONSULATE GENE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN CHARLES JOSE

JEDDAH

OUR PHIL

PINOY

SA MINA

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA DEFENSE MINISTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with