^

Bansa

Hirit ni Samuel Co ibinasura ng korte

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng korte ang kahilingan ng akusadong si Samuel Co na huwag tanggapin ang motion for reconsideration at leave of court to admit additional evidence na isinampa ng prosekyusyon kaugnay sa  kinakaharap na syndicated estafa.

Sa inilabas na desis­yon ni Judge Buenaventura Albert J. Tenorio Jr., ng Manila regional Trial Court (RTC) Branch 14, nakasaad na nananatiling malakas ang ebidensya laban kay Samuel Co subalit hindi sa isa pang akusadong si Priscilla Co.

Ang mosyon ay isinampa ni Co dahil sa mga sumusunod na dahilan; ang umano’y aksyon at sinabi ni Samuel Co ay hindi sapat na dahilan para mahikayat si Fabian Tapayan na mag-invest sa Aman; ang akusasyon umano ni Tapayan sa kanyang affidavit ay malinaw na nagsasaad na pumunta siya ng kusa sa bahay ng mag-asawang Co na buo na ang desisyong mag-invest sa Aman, direkta umanong nakipagtransaksyon si Tapayan sa isa pang akusadong si Ian Madarang at walang ginawang pambobola o panghihikayat ang akusadong si Co.

Hindi umano naki­pagsabwatan si Co sa sinumang ahente at opis­yales ng Aman, hindi rin umano ito nag-advertise sa media hinggil sa Aman sa halip ay pinaalalahanan pa ang publiko na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa Aman, ang alegasyon umano ni Tapayan hinggil sa press conference na ipinatawag noong Oktubre  2012 ay walang katotohanan, ang mga text messages umano ng akusadong si Madarang ay nagpapawang-sala sa akusadong si Co at wala rin umano ang bigat na documentary evidence na iniharap ng prosekusyon.

Pinanindigan naman ng korte na matibay ang evidence of guilty laban kay Co na sapat na basehan para ibasura ang  mosyon na hinihirit nito.

ACIRC

AMAN

ANG

FABIAN TAPAYAN

IAN MADARANG

JUDGE BUENAVENTURA ALBERT J

PRISCILLA CO

SAMUEL CO

TAPAYAN

TENORIO JR.

TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with