^

Bansa

Gusot sa INC ‘di tatalakayin sa event

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi tatalakayin sa libu-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo na dadalo sa Dakilang Araw ng Pamamahayag sa September 26, sa Philippine Arena ang kontrobersiya sa INC.

Ayon kay INC spokesperson Bro. Edwil Zabala, wala ring pag-uusapan na kahit anong tungkol sa pulitika. Tanging pananampalataya aniya at aral ng bibliya ang ilalahad sa mga INC members.

Ito aniya ang unang pagkakataon na mismong si INC Executive Minister Eduardo Manalo ang mamumuno sa Dakilang araw ng pamamahayag.

Sa ngayon sinabi ni Zabala na mahirap magbigay ng numero ng mga dadalong INC members pero tiyak na aniyang mapupuno ang Philippine Arena, na ang capacity ay nasa 55,000 katao.

Una nang sinabi ng nagpahayag ng kumpiyansa ang mga INC members na makapagtatala sila ng world record para sa nasabing pagtitipon na maituturing na pinakamalaking evangelical mission sa kasaysayan ng INC.

Magaganap ang pag­titipon alas 7:00 ng gabi bukas, araw ng Sabado.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CRISTO

DAKILANG

DAKILANG ARAW

EDWIL

EXECUTIVE MINISTER EDUARDO MANALO

INC

PHILIPPINE ARENA

ZABALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with