MANILA, Philippines - Matapos mapatunayang guilty sa paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na may kinalaman sa block sale ng Meralco shares of stock sa Global 5000 (Global) noong taong 2008 hanggang 2009 ay kinasuhan ng graft ng tanggapan ng Ombudsman ang matatas na opisyal ng Landbank of the Philippines (LBP) at Social Security System (SSS).
Ang mga kinasuhan ay sina dating SSS Chairman Thelmo Cunanan, Vice-Chairman Romulo Neri, Marianita Mendoza, Donald Dee,Sergio Ortiz-Luis, Jr., Fe Tibayan Palileo, Victorino Balais at Sonny Matula.
Sa hiwalay na kaso na isinampa ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman na may kinalaman din sa naturang anomalya ay sina LBP executives Margarito Teves, Gilda Pico, Marianito Roque,Patricia Rualo-Bello, Eduardo Nolasco, Albert Balingit, Ombre Hamsirani, George Regalado, Cyril Del Callar, Roberto Vergara, at Carel Halog
Sangkot din sa kaso sina Global executives Iñigo Zobel, Roberto Ongpin, Joselito Campos, Jr.,Consuelo Eden Lagao at Rhodel Gandingco.
Sina Pico, Vergara at Halog ay nahaharap sa kasong administratibo dahil sa kasong grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.