Bagyong ‘Jenny’ napanatili ang lakas sa Aparri

a Lunes inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyon “Jenny.” PAGASA photo

MANILA, Philippines – Matapos pumasok ng bagyong “Jenny” sa Philippine area of responsibility kagabi, napanatili nito ang kaniyang lakas habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,200 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay pa rin ni Jenny ang lakas na 85 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 100 kph.

Mabagal ang paggalaw ng pang-10 bagyo ngayong taon sa 7 kph.

Wala namang direktang epekto ang bagyo sa bansa, ngunit nagbabala ang PAGASA pagpapaigting sa hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa ibat’ ibang bahagi ng bansa.

Hindi rin inaasahang tatama sa kalupaan si Jenny.

Tinatayang lalabas ng PAR ang bagyo sa Lunes o 630 kilometro hilaga-silangan ng Itbayat, Batanes.

Show comments